Pages

COM-TECH

Alam ba new?  na ang kalimitang dahilan ng pagkasira ng inyong computer ay ang pag atake ng computer Virus sa inyong computer operating system o windows program?

  1.              Alam ba new na ang karaniwang dahilan ng pagrerestart o pag hang ng inyong computer ?
  2.       Alam ba new na ang karaniwang dahilan din ng pagbagal ng inyong computer ?
Kapag tayo ay bumili ng computer ang unang inilalagay o iniinstall ay ang windows operating system maging ito man ay windows Xp, Windows vista o windows7.

  •       Ang program system na ito ay ang syang nagpapagana ng ating computer upang magamit natin ito ng maayos.
  •       Ang system din na ito ang nagkokontrol sa ating mga gadgets sa computer gaya ng  Flash disk o sa mas naiintindihan na term sa computer ay USB,  Printer, digicam, surveillance camera, scanner at marami pang iba . Maging sa ating connection sa internet.
  •       Ang system din na ito ang nagpapagana sa mga nilalaro nating mga program games gaya ng mga kinahuhumalingang dota, counter strike, special force, run-on-line, NBA live games at marami pang iba.
Kapag ang system na ito ay nasira, nag corrupt (hindi po yung mga corrupt sa gobyerno ay tinutukoy dito po ha?) o inaatake ng virus, ang computer ay makakaranas ng pagbagal, pagrerestart,  paghahang at pagtigil ng program na ating ginagamit na maaring dumating sa punto na madadamage ang mahalaga at mamahaling parte ng computer gaya ng video card, memory o ram, hard disk, motherboard at cpu.

Paano natin malalaman na ang computer natin na gingamit ay inaatake na o infected na ng virus?
I.T. RY NEW TO:
Kung windows XP computer operating system ang gamit mo.
 I click ang start button (left click)
      I Click ang Run
      I type sa loob ng box ang CMD
      I click ang OK (Pwede rin I Press ang Enter key kapalit ng click)
Kung windows 7 o Windows vista ang  computer operating system na gamit mo.
      I click ang start button (left click)
     I type sa loob ng box ang CMD
      I click ang OK (Pwede rin I Press ang Enter key kapalit ng click)
Hintayin lumabas ang command prompt o ang black screen.
Kapag may nag flash lang sa screen at hindi lumabas ang command prompt o ang black screen
MAY VIRUS ANG COMPUTER MO!

Kung windows XP computer operating system ang gamit mo.
       I click ang start button (left click)
       I Click ang Run
       I type sa loob ng box ang MSCONFIG
       I click ang OK (Pwede rin I Press ang Enter key kapalit ng click)
Hintayin lumabas ang dialog box na system configuration utility
Kapag may nag flash lang sa screen at hindi lumabas ang system configuration utility dialog box
MAY VIRUS ANG COMPUTER MO!

Maglagay ng USB Flash disk sa computer mo
      I double click ang My Computer Icon na makikita nyo sa inyong desktop
      Kapag naging folder o kulay dilaw ang icon ng iyong USB
      Kapag nagkaron ng autorun.inf file and iyong USB
MAY VIRUS ANG COMPUTER MO!

Paano natin maiiwasan ang pagkakaroon ng virus sa ating mga computer?
Abangan!






No comments:

Post a Comment